MIND FLOOD

ALL THINGS…SENSED!

Boxes and Thoughts

Cliche man pero totoo, ang bilis tumakbo ng panahon! Sa sobrang dami ng mga pangyayari sa buhay ko, minsan di ko na alam kung ako pa rin ba ‘yung taong ipinanganak ng nanay ko. ‘Yung batang lumaki sa kalye ng pasig.

I was packing some things para sa paglilipat ko ng bahay when i thought of these things…naalala ko ‘yung unang malaking hakbang ko papalayo sa minahal kong tirahan sa pasig. Sa loob ng 28 taon hindi pa ako nalayo sa bahay namin…napakalaking lakas ng loob ang inipon ko, marami-rami ring luha ang naubos ko habang nasa eroplano but I did survive the flight. Sa pamamalagi ko rito, nagkaroon ng oras na akala ko diko makakayanan…ang malayo sa pamilya at ang mamuhay sa ibang kultura. Buti na lang loner ako at sanay na hindi maka-relate. Hehehehe! (salamat sa mga friends at family na nagpayo sa akin)…So i survived. Now i’m about to be thrown out sa itinuring kong tahanan sa loob ng mahigit na limang taon. Panibagong lipatan na naman!!! Hindi man ako nangangamba sa pagbabagong ito pero i still feel sad leaving the place. Sentimental!

Habang pinagmamasdan ko ang mga kahon ng gamit naisip ko, dami ko na pa lang na-accumulate sa loob ng halos 6 na taon. I asked myself, gaano kaya karami rito ang itatapon o ipamimigay. The process of discarding…komplikado! Sumagi tuloy sa isip ko ang matagal ko ng pinagmumunimunian…..ang detachment! Disposal of everything i own…everything except some clothes; Magsimulang muli from scratch, maghanap ng bagong propesyon, mag-risk — in it’s true essence. Alam kong kaya ko…in fact kaka-excite nga. Hindi pa  nga lang ngayon…pero sigurado…mangyayari!

Nakakainis na nakakatuwang tingnan ang mga boxes, hanggang kailan ko kaya bibitbitin ang mga ito?





No comments yet »

Your comment

HTML-Tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>