MIND FLOOD

ALL THINGS…SENSED!

bizzzzy

Hehehe! Feeling busy na naman these past few weeks. Wala naman talagang ginagawa. Siguro talagang daming araw ng pasok kaya parang kapag dumarating galing sa work eh bukas ng computer, nood ng sa piling mo at bituing walang ningning, di na makapag-aral kahit sandali tapos paglingon sa orasan eh nakatutok na pala sa dose yung mga kamay.

Tagal ng daytime ngayon, noong isang araw eh halos 4am na nakatulog ni hindi man lang dumilim. Siguro kaya mabilis ang oras kasi ang haba ng araw…huh? eh kasi pag winter sobra namang haba ng oras na tipong bawat butil ng niyebe eh napapansin sa pagbagsak nito. O siguro naman eh talagang maraming gawain…lalo na ngayon na busy ulit ang mga daliri sa pagtipa ng gitara. Ooooh! Mas masarap pakinggan ngayon, mas may taginting.

Pero hindi rin ‘yon dahil sa pagtipa ng gitara eh natigil naman ang panonood ng tv. Saan nga ba napupunta ang oras? Kung iisipin meron namang nagagawa pero parang kulang, parang laging pinipigilan ang orasan sa pagtakbo…ano bang hinahabol? ako lang kaya yun, na parang laging mamamatay sa paglubog ng araw… kaya parang dapat magawa, matikman lahat? Siguro nga…pero ang paghuhugas ng plato, paglalaba ng damit at pag tabas ng damo sa bakuran eh pwedeng-pwedeng maghintay yan bukas…o sa susunod na day off!!!





3 Comments »

   Mariezen wrote @ June 20th, 2006 at 9:33 pm

sa bagay totoo yan. minsan di mo alam din kung ano pa ba pede gawin…minsan ayaw mong gumawa, minsan napipilitan. kaya mo lang napapansin ang bawat patak ng niyebe sa bintana e dahil sa kabagutan. maganda rin pagtuunan ng pansin ang gitara o kaya ang mga malalaming nyong boses, hehehe. ano pa nga be pwede gawin kung gayong dadalawa lamang kayo…ano ba melin??!! ang lalalim ng tagalog mo napapagaya ako hehehehe….ang mas magandang gawin e gumuhit sa canvass at ipahiwatig ang iyong nararamdaman, tapos akin na lang hehehehehe miss you both. lab yah

   -melin- wrote @ June 22nd, 2006 at 8:17 am

hehehe…tete! eh gaya ng isinasaad sa taas…parang kulang ang oras…nangangati man ang mga kamay ko sa pagpinta e di ko magawang mag-umpisa sa takot na baka matuyo lang ang pintura ng hindi lumalapat sa canvass…hirap ng maikla ang attention span! Yaan mo try ko sa winter.

   -melin- wrote @ June 22nd, 2006 at 8:17 am

nga pala, miss yah too!

Your comment

HTML-Tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>