MIND FLOOD

ALL THINGS…SENSED!

Archive for June, 2006

bizzzzy

Hehehe! Feeling busy na naman these past few weeks. Wala naman talagang ginagawa. Siguro talagang daming araw ng pasok kaya parang kapag dumarating galing sa work eh bukas ng computer, nood ng sa piling mo at bituing walang ningning, di na makapag-aral kahit sandali tapos paglingon sa orasan eh nakatutok na pala sa dose yung mga kamay.

Tagal ng daytime ngayon, noong isang araw eh halos 4am na nakatulog ni hindi man lang dumilim. Siguro kaya mabilis ang oras kasi ang haba ng araw…huh? eh kasi pag winter sobra namang haba ng oras na tipong bawat butil ng niyebe eh napapansin sa pagbagsak nito. O siguro naman eh talagang maraming gawain…lalo na ngayon na busy ulit ang mga daliri sa pagtipa ng gitara. Ooooh! Mas masarap pakinggan ngayon, mas may taginting.

Pero hindi rin ‘yon dahil sa pagtipa ng gitara eh natigil naman ang panonood ng tv. Saan nga ba napupunta ang oras? Kung iisipin meron namang nagagawa pero parang kulang, parang laging pinipigilan ang orasan sa pagtakbo…ano bang hinahabol? ako lang kaya yun, na parang laging mamamatay sa paglubog ng araw… kaya parang dapat magawa, matikman lahat? Siguro nga…pero ang paghuhugas ng plato, paglalaba ng damit at pag tabas ng damo sa bakuran eh pwedeng-pwedeng maghintay yan bukas…o sa susunod na day off!!!