saya noon
Isang email ang natanggap ko tungkol sa buhay noon, kung gaano kasaya ang mga panahong iyon. Korek!! Sa katunayan sobrang saya noon na hanggang ngayon eh napapangiti at napapabuntong hininga pa rin ako sa tuwing naiisip ko.
Ang swerte nating mga naging bata noong unang panahon. Unang panahon kung saan ang mga bata eh nasa labas, sa mga bakanteng lote at naglalaro, nagtatakutan at naglolokohan. Kakalungkot hindi dahil sa hindi na ako makakabalik sa panahong iyon…well, syempre matanda na! Pero nakakalungkot para sa mga kabataan ngayon na halos di mo na alam kung ano ang ginagawa…nandyang nakangiti o nagsasalitang mag-isa…may kausap pala sa cellphone (sabagay di lang mga bata ang ganyan), mga batang hindi na teks ang hawak kung hindi mga cd’s, mga batang hindi mo na makita sa bubungan o sa taas ng puno (punong bayabas na sumusunod sa ihip ng hangin o punong alateris/aratelis na nasho-shortcut ang baba mo dahil lintik, sobrang rupok!!!) dahil busy sa paglalaro ng playstation sa loob ng bahay. Nakakalungkot dahil sa edad kong ito eh na-realized kong hindi lang sa ekwela natututo ang bata, hindi lang sa pag-aaral kung hindi sa paglalaro sa labas ng bahay, sa pag-i-imitate sa tunay na nangyayari, sa paghawak o pagdama ng mga laruan at kalaro at hindi sa mga laruang katha ng isip, hindi sa kamangha-manghang graphics; hindi sa komplikadong sitwasyon na malulutasan sa pagpindot ng kontrol o paghahanap ng cheats sa internet…hehehe! Kakalungkot para sa kanila…’wag na lang nating ikwento kaya…what you don’t know doesn’t hurt di ba? Ulk! Nabaluktot na naman ata ang utak ko!

